Inanunsiyo ng National Economic Denelopment Authority (NEDA) na naging maganda ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas noong nakalipas na taon sa kabilang ng mga kinaharap na hamon ng ating bansa.
Ginawa ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan ang pahayag bago pa man ang nakatakdang paglalabas ng ulan hinggil sa datos sa full-year economic growth ng bansa kung naabot nito ang 6% na target na paglago noong 2023.
Nanindigan ang economic team ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa target growth na 6% hanggang 7% noong nakalipas na taon sa kabila ng gross domestic product na naitala lamang sa average na 5.5% noong unang 9 na buwan ng 2023.
Kaugnay nito, binigyang diin ni Sec. Balisacan ang kahalagahan ng pagpapalakas ng fiscal position ng bansa para mapanatili ang mabilis at inklusibong paglao sa mga susunod na taon.
Nakatakdang namang ilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 2023 4th quarter performance ng ekonomiya ng Pilipinas sa araw ng Huwebes, Enero 31.