Inaasahang makakapagtala ng pinakamabilis na paglago mula sa lahat ng developing countries sa East Asia at Pacific ngayong 2023, base sa pinakabagong report ng World Bank.
Batay sa growth outlook para sa rehiyon, nangunguna ngayon ang Pilipinas na napanatili ang 5.6% na paglago ngayong 2023, mas mabilis kumpara sa Vietnam na nasa 4.7% kyng saan mas mababa ito mula sa 6.3% forecast na inilabas sa report noong Abril.
Para sa 2024, maaaring lumago pa ang ekonomiya ng Pilipinas sa 5.8%.
Ayon sa World Bank, ang mga reporma sa serbisyo at digitalisasyon ang nakapagambag sa economic opportunities at pinahusay na kapasidad ng tao na nagpapalakas sa pag-unlad sa rehiyon.
Gayundin sinabi ng World Bank na nakatulong ang muling pagsigla ng sektor ng lokal na turismo sa services exports ng Pilipinas.