-- Advertisements --

Maapektuhan maging ang ekonomiya ng bansa sa oras na hindi pa rin daw matatapos ang issue hinggil sa speakership race sa 18th Congress.

Paliwanag ni Party-list Coalition president at 1-Pacman Rep. Mikee Romero, walang matatapos ang Kamara kapag patuloy ang banggaan ng mga sangay ng pamahalaan dahil sa issue sa speakership race.

Babala ni Romero, posibleng bumulusok sa 1% hanggang 2% ang gross domestic product (GDP) ng bansa kung patuloy ang banggaan ng ehekutibo at lehislatura.

Kaya paalala nito sa mga kapwa niyang nasa pamahalaan ay huwag maging disruptive at magkaisa sa pagsusulong ng mga hakbang na makakabuti at ikakaunlad ng bansa.