-- Advertisements --
Malayo pa ang tatahakin ng bansa para makabawi sa economiya mula sa pananalasa ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa Philippine Statistics Authority na nagtala ng pagtaas ang gross domestic product ng bansa (GDP) ng 11.8% mula Abril hanggang Hunyo 2021.
Noong second quarter ng 2020 ay bumagsak ang GDP ng bansa dahil pagpatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) mula ng kumalat ang COVID-19.
Naniniwala naman si Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na lalago pa ekonomiya ng bansa basta maging maganda ang pagtugon ng gobyerno sa COVID-19.