-- Advertisements --

Nag-qualify ang Pinoy Olympian na si EJ OBIENA sa men’s pole vault finals sa ginanap na 2022 World Athletics Championship sa Eugene, Oregon sa Estados Unidos.

Ito ay makaraang pumuwesto si Obiena sa pang anim sa ginanap na qualification even kanina makaraang makaraang malampasan niya ang 5.75 meters.

Dahil sa kanyang achievement ay pumasok si EJ sa top 12 para naman sa gaganaping finals bukas, araw ng Linggo.

Napansin na ang Pinoy athlete na siyang kaisa-isang nagmula sa Asya.

Makakaharap niya ang magagaling sa buong mundo na mga pol vaulter at mga naging karibal din ni EJ noon pa man na sina Christopher Nilsen ng US, Olympic champion at world record holder na si Armand Duplantis ng Sweden, Oleg Zernikel ng Germany, Thiago Braz ng Brazil, Ben Broeders ng Belguim at iba pa.

Sinasabing ang performance ni Obiena sa qualifying ay malaking improvement mula noong 2019 competition kung saan pumuwesto lamang siya sa pang-15 sa qualifiers.