Reading Time: 1 minute

TACLOBAN CITY – Itinuturing na espesyal ng Muslim community sa Leyte ang kauna-unahang selebrasyon nila ng pagtatapos ng Ramadan ngayong araw.

Ayon kay Imam Ismael Catcharo ng Islamic Knowledge for Humanity Livelihood Association, espesyal ang Eid’l Fitr celebration ng kanilang komunidad sa Tacloban City dahil sa grand mosque na ito isinagawa.

Dati raw kasi ay nagrerenta pa sila ng pasilidad para gawin ang tradisyon.

Aabot sa 1,000 Muslim umano ang nakiisa sa Eid’l Fitr celebration dahil pati ang ilang kapatid nila mula sa kalapit na bayan ay dumalo rin.