CAUAYAN CITY- Handang handa na ang Schools Division Office (SDO) Cauayan City sa darating na pasukan sa Lunes, August 22, 2022.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Schools Division Supt. Dr. Alfredo Gumaru Jr. ng SDO Cauayan City na nagsagawa ng Educators Summit ang SDO Cauayan City na may layuning pag-usapan ang kahandaan sa nalalapit na pasukan ng mga mag-aaral pangunahin na ang pagsasagawa ng face to face classes.
Sinabi ni Dr, Gumaru na handa na ang 80 paaralan sa Cauayan City sa pagbubukas ng klase sa Lunes.
Laking pasasalamat ni Dr. Gumaru na sa kabila ng halos dalawang taon na isinagawa ang online classes ay magkikitang muli ang mga guro at mga mag-aaral.
Nagkaroon na rin ng orientation sa mga ipapatupad na health protocols dahil patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19..
Sinabi ni Dr. Gumaru na sa mga pampublikong paaralan ay mayroon nang kabuoang bilang ay 15,301 ang bakunado na.
Sa lebel ng elementarya ay 4,736 na ang bakunado, 7,462 naman sa junior high school habang sa senior high school naman ay 3,106.
Sa mga guro naman ay mayroon pang labing walo na hindi pa bakunado dahil mayroong commorbidities.
Sa pribadong paaralan naman 3,298 na ang mga nabakunahan na mag-aaral, 560 ang elementarya, 1,512 ang junior high school habang ang senior high school naman ay 1,153.
Sa ngayon ang enrolled na na mga mag-aaral ay umabot na sa 95.24 percent sa mga elementarya, 92.97 percent sa mga sekondarya at 96.82 percent sa mga senior high school.
Patuloy din nilang isinusulong ang project gabay na kung saan ay nakapaloob dito ang garantisadong bakuhan gabay sa kalusugan lalong-lalo na sa mga elementarya.