-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nilinaw ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na posibleng ipapatupad sa susunod na mga araw ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong rehiyon. 

Ito ay kasabay sa pag-isyu ng guidelines ng lokal na pamahalanaan patungkol sa distribution ng quarantine passes o Davao City food and medicine (FM) pass. 

Ayon sa alkalde, kasalukuyan nila na hinahanda ang FM passes kung idedeklara na sa lungsod ECQ. 

Una ng sinuspende ng Mayor ang pamimigay ng quarantine passes sa mga barangay dahil gusto nitong magpatupad ng tinatawag ug FM pass. 

Muling nilinaw ng opisyal na bibigyyan lamang ng FM passes ang exempted na mga indibidwal na lalabas dahil sa “emergency situations” lalo na ang mga isusugod sa hospital. 

Kinonsidera ng Mayor ang enhanced community quarantine (ECQ) matapos na maitala sa Davao ang unang local transmission ng COVID-19.