Naniniwala ang National Task Force Against COVID-19 (Croronavirus Disease 2019) medical expert na si Ted Herbosa na kailangan tuloy-tuloy na maipatupad sa Metro Manila at kalapit na probinsya ang enhanced community quarantine (ECQ) hanggang sa bumaba ang bilang ng mga COVID patients na isinusugod sa ospital.
Ginawa ni Herbosa ang pahayag matapos na ianunsyo naman ng pamahalaan ang extension ng ECQ sa mga lugar na sakop sa tinaguriang National Capital Region (NCR) Plus sa loob ng isa pang linggo.
Ayon kay Herbosa, hindi lamang layunin ng re-imposition ng ECQ sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna, na makontrol ang pandemya kundi para maprotektahan din ang health system ng bansa mula sa overcapacity.
Ipinatutupad aniya nila ang ECQ bahagya dahil sa overwhelmed na ang mga ospital.