-- Advertisements --

Hindi sang-ayon ang grupo ng manggagawa sa isinusulong ng senado na P150 across the board na dagdag sahod.

Ayon sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na labis na maapektuhan dito ay ang mga negosyante na nasa informal sector at mga micro, small and medium enterprises kapag isinulong ang minimum wage increase.

Sinabi ni ECOP Legal Services Manager Robert Maronilla na nakaka-survive lamang ang nasabing mga establishimento sa kada araw kaya marapat na pag-aralang mabuti ang nasabing panukalang dagdag sahod.

Maapektuhan din dito ang presyo ng mga produkto dahil ipapatong ng mga negosyante sa kanilang produkto ang idadagdag na pasahod sa kanilang empleyado.