-- Advertisements --

Mahigpit ang paalala ni Chinese President Xi Jinping sa kanyang mga opisyal para mapanatili ang ekonomiya ng bansa sa gitna ng outbreak ng novel coronavirus (COVID-19).

Sa inilabas ng theoretical journal ng Communist Party na Quishi, nakasaad ang buong speech ni Xi para sa kanyang senior officials kamakailan.

Hinimok daw ng presidente ang mga opisyal nito na maglatag ng mga polisiya para suportahan ang ekonomiya ng bansa.

Malaki na umano ang naging epekto sa kanila ng COVID-19, lalo na sa sektor ng industriya.

Para kay Xi, kailangang tawagin ang pansin ng enterprises para bumalik sa produksyon ng mga produkto.

Sa gitna ng patuloy na lumulubong bilang ng mga namamatay sa COVID-19 sa China, ani Xi, kailangan pa rin maabot ng gobyerno ang economic at social development goals nito ngayong taon.

Kabilang umano sa mga dapat ikonsidera ng senior officials ang dagdag na financial support, gaya ng mga polisiya para sa loan interest rates at pagkuha sa migrant workers na magta-trabaho sa malalaking industries.

“Big projects, especially those in manufacturing, should start construction on time, he said, adding that boosting consumption was an important hedge against the epidemic’s impact. Work should be done to promote the wider adoption of 5G technology, as well as the purchase of products associated with healthy living and cars,” ani Xi.

“The epidemic had revealed “shortcomings and deficiencies” in national governance.”

Una ng nagbigay direktiba si Xi para mapigilan ang pagkalat ng sakit nang umupo siya bilang chair ng Politburo Standing Committee noong January 7.(Reuters/Qiushi)