-- Advertisements --
PBBM new

Tinaasan pa ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang economic growth sa ikalawang quarter ng kasalukuyang taon.

Ito ay matapos na makapagtala ng gross domestic product (GDP) mula sa period ng Abril hanggang Hunyo ng 7.5% na bahagyang mas mataas kumpara sa 7.4% noong unang quarter.

Kasunod na rin ng paglakas ng industriya ng construction at real estate activities.

Ang pagrebisa ng PSA sa GDP growth sa ikalawang quarter ay kasabay ng paglago ng tatlong economic subsectors kabilang dito ang coonstruction na tumaas ng 19.5%, sa real estate at ownership naman pumalo nh 4.4% at manufacturing umakyat ng 2.2%.

Sa unang taon ng Marcos adminsitration, ang economic growth target ay nirebisa at ibinaba sa 6.5% hnaggang 7.5% mual sa dating projection ng pamahalaan na 7% hanggang 8%.

Ayon sa economic managers, ito ay dahil sa tinatayang paghina umano ng economic growth sa second half ng taon dahil na rin sa mataas na infaltion at external conflicts.

Nakatakdang maglabas ng GDP data ang PSa para sa ikalawang quarter bukas.