-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Kakulangan na lamang sa kita ang kailangan ng Echague, Isabela bago tuluyang maideklara bilang isang lunsod.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Cong. Inno Dy ng ikaanim na distrito ng Isabela, sinabi niya na dapat ay ikonsidera ng kongreso ang iba pang source of income ng bayan ng Echague upang makapasa na ito sa kailangang requirements.

Sa ngayon ay pasok na ang bayan ng Echague sa dalawang requirements gaya ng lawak ng nasasakupan at bilang ng mga naninirahan.

Kailangan na lamang ng bayan na magkaroon ng mahigit P20 milyon na taunang kita bago maging isang siyudad.

Ayon kay Cong. Dy, hindi sila titigil sa pagsasaayos ng mga dokumento hangga’t hindi nagiging pang-apat na siyudad sa Isabela ang Echague.

Ang bayan ay isa sa pinakamaunlad na bayan sa lalawigan at itinuturing na isang first class municipality sa mahabang panahon.