Idineklara ang outbreak ng highly contagious na Ebola Virus sa Ugnada matapos na kumpirmahin ng health authorities ang pagkakatalo ng kaso ng rare Sudan strain.
Ayon sa health ministry ng Uganda at World Health Organization (WHO), ito ay isang 24 year old na lalaki mula central Mubende district na nakaranas ng mga sintomas at nasawi kalaunan.
Ayon kay Diana Atwine, health ministry’s permanent secretary ng Uganda, ang pasynete ay nakaranas ng mataas na lagnat, diarrhea, abdominal pains, nagsuka ng dugo at inisyal ding ginamot sa sakit na malaria.
Sa kasalukuyan, mayroong walong suspected cases ng naturang sakit na ginagamot sa isang health facility ayon sa WHO Africa office.
Tumutulong na ang WHO sa pag-iimbestiga at pagdeploy ng staff sa apektadong lugar.
Una ng nakapagtala ng outbreaks ng Ebola Sudan strain, apat sa Uganda at tatlo sa Sudan.
Ayon sa WHO, epektibo sa pagkontrol ng pagkalat ng Ebola sa nagdaang outbreaks sa Democratic Republic of Congo at iba pang bansa ang pagbabakuna sa high-risk individual ng Ervebo vaccine na aprubado para labanan ang Zaire strain ng virus.
Ang ebola virus ay isang bihira at nakamamatay na sakit sa mga tao at non-human primates. Ang mga virus na nagdudulot ng EVD ay matatagpuan pangunahin sa sub-Saharan Africa. Ang mga tao ay maaaring makakuha ng EVD sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan sa isang infected na hayop (bat o nonhuman primate) o isang may sakit o patay na tao na nahawaan ng Ebola virus.