-- Advertisements --

Labis ang pasasalamat ng singer na si Ebe Dancel na ‘sold out’ na ang kaniyang nalalapit na concert.

Gaganapin ang “Ebe Dancel with The Manila String Machine: The Repeat Concert” sa darating na Nobyembre 15 sa New Frontier Theater.

Sa kaniyang social media account ay isinagawa nito ang anunsiyo na sold out na ang concert.

Pinasalamatan nito ang mga fans dahil sa walang tigil na pagsuporta sa ika-25 taon nito sa music industry.

Humingi rin ito ng paumanhin dahil sa wala ng pangalawang araw ang konsiyerto.