Patuloy ang pagpapaulan ng missile ng Russia sa eastern Ukraine.
Ayon sa National Police ng Ukraine na maraming mga sibilyan na ang nasawi sa pag-atake ng Russia sa 13 settlements sa Donetsk.
Bukod pa sa Donetsk ay maraming lugar din sa Ukraine ang pinaulanan ng missile ng Russia.
Malaki ang paniniwala ng mga opisyal ng Ukraine na pinapalawig ng Russia ang kanilang pag-atake kung saan tinatangka nilang gibain o sirain ang depensa ng Ukraine.
Nagdulot na rin ng malaking pinsala sa twin cities ng Luhansk kung saan tinatayang nasa 15,000 na sibilyan pa rin ang nananatili sa Severodonetsk.
Sinabi naman ni Serhiy Haidai ang namumuno sa Luhansk regional military administration na patuloy ang kanilang ginagawang pagprotekta sa lugar sa loob na ng ikaapat na buwan na ngayon.
Nasa apat na katao na rin ang nasawi sa Kharkiv region dahil sa pag-atake ng Russia.
Dahil dito ay hinikayat ni Oleh Syniehubov, hepe ng regional military administration, ang mga mamamayan nito na manatili sa mga pinagtataguan nilang lugar.