
Hindi pa rin nakaya ng Atlanta Hawks na talunin ang Boston Celtics sa 2nd Game ng elimination series ng Playoffs.
Sa muling pagtatapat ng dalawang koponan, nagpasok si Jayson Tatum ng double-double na 29 pts 10 rebounds habang 26pts at 7 rebounds ang kinamada ng kanilang guard na si Derrick White.
Sumentro ang depensa ng Boston sa 44 na nakuhang rebounds at halos tatlumpong assists.
para sa Hawks, tinapatan din ni Dejounte Murray ang 29 pnts ni Tatum sa kanyang 29 pts 6 rebounds, ngunit hindi pa rin naging sapat upang talunin ang Defensive Team na Boston.
Nalimitahan lamang ang kanilang star player na si Trae Young sa 24 pts at anim na assists, sa naging laban.
Nagbuhos din ang Forward na si De’Andre Hunter ng double-double na 12 rebounds at 18 pts ngunit kinulang pa rin ang kanilang opensa.










