-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may mobile freezer na ang East Avenue Medical Center (EAMC) para sa bangkay ng mga patay nilang pasyente.

Ito’y matapos aminin ng ospital na kailangan nila ng karagdagang gamit na pagi-imabakan ng katawan ng mga namatay na pasyenteng hindi pa nake-claim ng kanilang pamilya.

“Ang East Avenue Medical Center ay nag-report na sila ay nakakuha na ng mobile freezer para sa mga unclaimed bodies, may COVID-1 man o wala. Ito’y malaking tulong upang madagdagan ang limitadong capacity ng kanilang mortuary,” ani Usec. Maria Rosario Vergeire sa virtual presser.

Sa isang pahayag nitong Sabado itinanggi ni Dr. Dennis Ordoña, ang tagapagsalita ng ospital, na nagkakaubusan na ng body bags ang kanilang pasilidad.

Nitong nakalipas na mga araw daw ay pumalo na sa halos 20 cadaver ang nasa kanilang morgue na may kapasidad lang na limang bangkay.

Niliaw ni Dr. Ordoña, ipinwesto na nila sa hallway ng morgue ang ilang katawan na nakabalot ng body bag, at hindi sa loob ng main hospital.

Nasa anim na lang din umano ang bilang ng mga bangkay na nasa morgue.

Ayon kay Usec. Vergeire, napagkasunduan ng ilang concerned agencies na atasan ang local government units na maghanap ng solusyon para tugunan ang limitadong kapasidad ng mga ospital sa mga bangkay.

“Inaatasan ang mga LGU na maghanap ng mga posibleng solusyon sa limitadong espasyo ng mga ospital para sa mga cadavers,” dagdag ng kalihim.

Ngayong araw, April 12, nakapagtala ang DOH ng 50 bagong namatay dahil sa COVID-19.

Kasalukuyang nasa 297 ang bilang ng mga namatay sa bansa dahil sa pandemic virus.