Nakatuon ngayon ang gagawing Earth Hour sa araw ng Sabado, Marso 23 ay ang bukod sa pagtitipid sa kuryente ay ang paglaban sa plastic pollution.
Sinabi ni World Wide Fund For Nature (WWF) Philippines executive director Katherine Custodio, na maraming sakit na ang naidudulot dahil sa plastic pollution.
Base sa kanilang pagtaya na mayroong 2.15 milyon na plastic waste ang nakulekta noong 2019.
Ngayong taon ay magiging main partner ng Earth Hour ang lungsod ng Maynila kung saan gaganapin ang programa sa Kartilya ng Katipunan sa Manila.
Ilang mga kilalang landmarks sa Lungsod gaya ng city hall clock tower, Rizal Monument at iba pa ay papatayin ang ilaw mula 8:30 ng gabi hanggang 9:30 p.m.
Nagsimula ang obserbasyon ng Earth Hour sa Sydney, Australia noong 2007 at matapos ang isang taon ay sumali na ang Pilipinas kung saan ito na ang pang-16 na taon na inoobserbahan ito sa Pilipinas.