-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng W60 Nantes tennis tournament sa France.

Ito ay matapos na pahiyain ang pambato ng nasabing bansa na si Leolia Jeanjean sa score na 6-4, 2-0.

Mabilis na nabura ng 18-anyos na si Eala ang lamang ng kalaban na 1-4 bago pagdating sa ikalawang set ay tiyak na ang panalo nito matapos na maagang nagretiro ang French player ng hindi malamang rason.

Susunod na makakaharap ng ranked 193 na si Eala si ranked 179 na si Gabriela Knutson ng Czech Republic para sa semifinal match.