-- Advertisements --

Makakaharap ni Pinay tennis star Alex Eala si Marketa Vondrousova ng Czech Republic sa unang round ng 2025 National Bank Open sa Montreal, Canada.

Hindi nagkakalayo ang dalawa sa ranking kung saan pang-69 ang ranking ni Eala habang pang-65 naman ang ranking ng Czech player.

Ang nasabing torneo na magtatapos hanggang Agosto 7 ay isang paghahanda para sa unang pagsabak ni Eala sa US Open na magsisimula mula Agosto 24 hanggang Setyembre 7 sa New York.

Ang US Open ay siyang pangatlong Grand Slam ni Eala na ang una ay ang French Open at Wimbledon.

Si Vondrousova ay nakapasok sa finals ng French Open noong 2017 at nagwagi ng silver medal noong 2020 Tokyo Olympics.