-- Advertisements --

Haharapin na ni Filipino tennis ace Alex Eala ang Czech Republic tennis star na si Karolína Muchová mamayang alas-11 ng gabi (March 23).

Paglalabanan ng dalawa ang isang spot sa quarterfinals ng nagpapatuloy na Miami Open.

Parehong umusad sa Round of 16 ang dalawang tennis player matapos ang impresibong panalo sa Round of 64 at Round of 32.

Sa kasalukuyan, hawak ni Muchova ang mas mataas na Women Tennis Association (WTA) ranking bilang rank No. 27 habang si Eala ay ang pang-29.

Hawak din ng Czech player ang bentahe sa experience sa edad na 29 kung saan nakakuha na siya ng isang singles tittle habang ang kaniyang career high sa world ranking ay hanggang World No. 8.

Una na rin siyang umabot sa Wimbledon semis noong 2023, ang taon kung kailan niya naitala ang career high.

Ito naman ang ikalawang pagkakataon na maglalaro si Eala sa Miami Open kung saan noong nakalipas na taon ay umabot siya sa semifinals. (report by Bombo Genesis)