-- Advertisements --

Bumaba sa No. 20 ang ranggo ni Filipino tennis star Alex Eala sa live WTA Finals Race noong Martes sa nagpapatuloy na Madrid Open.

Mula sa No. 17 noong nakaraang linggo, nakalikom si Eala ng dagdag na 35 points para umabot sa kabuuang 807, kasunod ng kanyang round of 64 finish sa torneo.

Gayunpaman, umangat sina Marta Kostyuk, Hailey Baptiste, at Anastasia Potapova matapos makapasok sa quarterfinals.

Nakapagtala si Kostyuk ng 930 points upang umakyat sa No. 15 mula No. 22, habang si Baptiste naman ay pumuwesto sa No. 17 mula No. 26 sa tulong ng 843 points.

Si Potapova naman ay bumulusok sa No. 19 mula No. 32 matapos maipon ang 827 points.

Nalagpasan din si Eala ni Elise Mertens, na umakyat sa No. 18 matapos makuha ang 830 points mula sa kanyang round of 32 finish sa Madrid, kung saan tinalo niya ang Filipina.

Sa kabila ng pag-overtake ng apat na manlalaro, naiwasan ni Eala matapos bumaba si Madison Keys sa No. 21 mula No. 16 dahil sa kawalan ng puntos ngayong linggo.

Inaasahang ilalabas ang opisyal na Finals Race rankings, kabilang ang singles at doubles standings, matapos ang pagtatapos ng Madrid Open sa Linggo.