-- Advertisements --

Nakausad na sa ikalawang round ng French Open women’s doubles tournament si Pinay tennis star Alex Eala at Mexican partner nito na si Renata Zarazua.

Tinalo nila sa first round sina Emily Appleton ng United Kingdom at Yvonne Cavalle-Reimers ng Sapin sa score na 7-5, 6-4.

Naging mahigpit ang labanan ng dalawang magkapares sa unang set hanggang bahagya silang nahirapan na maitawid ang second set at tuluyang nakuha ang panalo.

Si Eala ay ranked 69 sa Women’s Tennis Association (WTA) habang ang 27-anyos na si Zarazua ayy world ranked 74.

Susunod na makakaharap ng dalawa ay sina Olga Danilovic ng Serbia at Anastasia Potapova ng Russia para sa second round ng laro.