Reading Time: 1 minute
SIBOL
Sibol

Ipinakilala na ng Philippine Southeast Asian Games E-sport Union (PSEU) ang kanilang koponan na isasabak sa nalalapit na 2019 SEA Games na gaganapin sa bansa.

Kikilalanin ang koponan sa pangalang “SIBOL”.

Makikita sa logo ng Sibol ang kulay ng bandila ng bansa na pula, dilaw at asul.

Maglalagay sila ng mga manlalaro sa anim na computer games gaya ng DoTA 2, StarCraft II, Arena of Valor, Mobile Legends at Tekken 7.

Magsasagawa rin sila ng qualifying round sa Agosto para malaman kung sino ang isasama nila sa training pool ng Sibol bago ang nalalapit na torneo.

Magugunitang ang Electronic sports ay isinama na bilang medal sport sa SEA Games.