Kakaibang estratehiya ang nakatakdang ipatupad ng mga manlalaro ng bansa sa Electronic Sports para sa 30th Southeast Asian Games.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Caviar “EnDerr” Acampado, ang manlalaro ng StarCraft 2, kasama sa kanilang pagsasanay ang pag-aaral sa mga kahinaan ng mga bansa na kanilang makakaharap.
Sa ilang buwan na rin nilang pagsasanay ay pursigido silang makakuha ang gold medal sa SEA Games.
Hindi naman nito na itinanggi ang matindi ang pressure sa kanilang koponan dahi sa unang beses maisasama ang E-Sports sa SEA Games.
Kabilang si Acampado sa Team Sibol ang official E-Sport team ng Pilipinas na lalaban sa SEA Games.
Magugunitang kasama ang anim na E-Sport sa SEA Games at ito ay binubuo ng DOTA 2, Tekken 7, Mobile Legends, Heartstone, Arena of Valor at StarCraft 2.