-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tuloy-tuloy ang road clearing operation sa probinsya ng Maguindanao.

Itoy alinsunod sa kautusan ng Department of Interior and Local Government (DILG) Memorandum Circular -121-2019.

Sa Datu Montawal Maguindanao na isa sa mga bayan na may mataas na marka sa road clearing operation ay umaangal sa ilang ahensya ng gobyerno.

Nanawagan si Datu Montawal Mayor Datu Otho Montawal sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na tumulong sa paglilinis sa kalsada at mga kalye.

May mga proyekto pa ang DPWH sa ibang bayan na nakatiwangwang sa national highway at hindi inayos.

Sa Cotabato City inireklamo naman ni Cotabato City Mayor Atty Cynthia Guiani Sayadi ang mga iniwan at nakatiwangwang na road construction na nagdulot ng matinding traffic sa lungsod.

Kailangang magtulungan ng LGUs at ng DPWH para linisin ang mga road obstruction sa national highway na una nang winasak o giniba.

Trabaho na umano ng DPWH ang pagmintina sa kalinisan at maayos na kalsada sa pakipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan.