-- Advertisements --

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa China para maging prayoridad ang estado sa mga mabibigyan ng supply ng madidiskubre bakuna laban sa virus ng COVID-19.

“Four days ago, I made a plea to President Xi Jinping – if they have vaccine can they allow us to be one of the first, or if needed, if we have to buy it, that we be granted credit so we can normalize as fast as possible,” ani Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa.

Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang presidente ukol sa pag-uusap nila ng pangulo ng China.

Ayon sa Department of Health (DOH) patuloy pa ring naghahanap ang pamahalaan ng mga may potensyal na COVID-19 vaccine.

Nagpahayag na raw ang estado nang pagsali sa Solidarity trial ng World Health Organization (WHO), na malawakang clinical trial sa ilang pinag-aaralang bakuna kontra sa sakit.

Ang Department of Science and Technology ang nangunguna sa pakikipag-ugnayan sa mga partners na inirekomendang Inter-Agency Task Force.

Kabilang dito ang dalawa mula China at dalawa mula Taiwan.