-- Advertisements --

Pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na maging maingat at isaalang-alang din ang kapakanan ng kapwa sa gitna nang nagpapatuloy na laban kontra COVID-19 sa pamamagitan nang pagsuot ng wasto sa face mask.

Sa kanyang lingguhang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na malaki ang mababawas sa posibilidad na tamaan ng coronavirus sa pamamagitan nang wastong paggamit at pagsuot ng face mask.

Pinuna ni Duterte ang iba na nakasuot ng face mask pero nakalabas o kita naman ang ilong ng mga ito.

“It does not really give relief at all, kung ganoon ka careless ang tao na gumagamit,” giit ni Duterte.

Hinimok din ng Pangulo ang publiko na patuloy pa ring sundin ang minimum health protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.