-- Advertisements --
Nasungkit ng Pilipinas ang ikalawang gintong medalya sa 6th Asian Beach Games sa Sanya, China matapos manguna si high jumper Leonard Grospe sa kanyang event noong Biyernes ng umaga.
Naitala ni Grospe ang winning mark na 2.05 meters upang makuha ang gold medal.
Bago ito, matagumpay niyang nalampasan ang 1.80m, 1.90m, at 2.00m, ngunit nabigo siyang lampasan ang 2.10m sa limang pagtatangka.
Pumangalawa si Po-Ting Yeh ng Taiwan na tumalon ng 2.00m para sa silver medal, habang bronze medalist si Hao Zhang ng China na kapwa rin nakapag-clear ng 2.00m.
Sa kabuuan, patuloy ang magandang kampanya ng Pilipinas sa torneo matapos makakuha ng unang gintong medalya mula kay Alexandria Enriquez at bronze mula kay Kaila Napolis sa jiu-jitsu noong Huwebes.










