-- Advertisements --

Opisyal nang pumasok ang Algeria sa Round of 32 ng FIFA World Cup 2026 matapos makuha ang mahalagang pwesto sa Group J kasunod ng kanilang mainit na 3-3 draw laban sa Austria ngayong June 28.

Binuhat ni kapitan Riyad Mahrez ang kanyang koponan matapos siyang pumukol ng dalawang goal o brace upang selyuhan ang kanilang pwesto sa susunod na yugto ng torneo kung saan nakasama rin nilang umabante ang Argentina at Austria mula sa Group J.

Ito ang ikalimang beses na nakatuntong ang Algeria sa World Cup at ang kanilang kauna-unahang pagbabalik sa prestihiyosong torneo mula pa noong taong 2014.