-- Advertisements --

Wala pa ring nananalo sa pagitan ng Argentina at Spain matapos magtapos ang regulation time sa iskor na 0-0 sa World Cup final na ginanap sa New York New Jersey Stadium nitong Linggo (araw sa Amerika.)

Dahil tabla pa rin ang dalawang koponan pagkatapos ng 90 minuto, naglaro sila ng karagdagang 30 minutong extra time upang subukang maka-goal.

Kapag nanatiling tabla ang laban pagkatapos ng extra time, penalty shootout ang magdedesisyon kung sino ang magiging World Cup champion.

Mas lalong naging mahirap ang sitwasyon para sa Argentina nang mapalabas si Enzo Fernandez sa mga huling sandali ng regulation time.

Nakatanggap siya ng ikalawang yellow card matapos ang kanyang foul kay Pau Cubarsi, dahilan upang mabawasan ng isang manlalaro ang Argentina sa extra time.