-- Advertisements --
Matapos ang dalawampu’t walong taong pagkabigo, opisyal nang nakapasok ang Austria sa FIFA World Cup 2026.
Nakuha ng koponan ang kanilang slot matapos manguna sa UEFA Qualifying Group H sa ilalim ng pamumuno ng kanilang head coach na si Ralf Rangnick.
Sa darating na Group Stage ng torneo, isasabak ang Austria sa Group J kung saan makakatunggali nila ang mga bansa ng Argentina, Algeria, at Jordan.
Inaasahang babandera para sa koponan ang kanilang mga pambato at kilalang manlalaro na sina David Alaba, Marcel Sabitzer, at Marko Arnautović.










