Tuluyan nang isinara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pintuan nito sa anumang imbitasyong pagbiyahe sa Estados Unidos.

Ang desisyon ay ginawa ni Pangulong Duterte kasunod ng naipadala ng Notice of Termination sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa US Embassy.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang nabuong pasya ni Pangulong Duterte ay kaugnay ng polisiya nitong itaguyod ang independent foreign policy na makabubuti sa interes ng bayan.

Maliban pa dito ang paninindigan ni Pangulong Duterte na hindi naman maaaring lagi na lang nakasandal ang Pilipinas sa ibang bansa sa larangan ng defense capablity development.

Una rito ay nagpahayag na si Pangulong Duterte na hindi siya dadalo sa Association of Southeast Asian Nations-US Summit na nakatakda sa susunod na buwan sa Las Vegas, Nevada.

-- Advertisement --

“The President will not entertain any initiative coming from the US government to salvage the VFA, neither will he accept any official invitation to visit the United States. All these actions are anchored on the policy of PRRD to chart an independent foreign policy with our foreign relations with other states being based on national interests and general welfare,” ani Sec. Panelo.