-- Advertisements --

Pinababantayan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Energy at Department of Environment and Natural Resources ang mga power generation companies sa bansa.

Sinabi ni Pangulong Duterte, layunin nitong malaman kung nakasusunod ang mga ito sa batas, gayundin sa mga regulasyon at polisiya ng gobyerno.

Ayon kay Pangulong Duterte, nais niyang malinis na enerhiya ang lilikhain ng mga power producers.

Kaugnay, hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga negosyante na mamuhunan sa industriya ng malinis na enerhiya dahil malaking tulong ito para madagdagan ang power supply sa bansa.

Makakaasa aniya ang mga negosyante na mabibigyan ng sapat na proteksyon ang kanilang negosyo at magiging mas epektibo ang kanilang business strategies basta isusulong lamang ang proteksyon ng kalikasan at ng komunidad.