
Nagpapatuloy ngayong araw ang pagdalo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte 35th ASEAN Summit and Related Summits sa Bangkok, Thailand.
Una sa dinaluhan kaninang alas-8:30 ng umaga ang 22nd ASEAN Plus Three Summit sa IMPACT Exhibition and Convention Center at 7th ASEAN- US Summit bandang alas-10:30 ng umaga.
Bandang alas-11:45 ng umaga ang Special Lunch on Sustainable Development at itinakda ang ala-1:30 ng hapon ang 14th East Asia Summit.
Dakong alas-4:35 ng hapon ang Bilateral Meeting kay Japan Prime Minister Shinzo Abe.
Susundan ito nang pagdalo sa 22nd Asean – Japan Summit bandang alas-5:30 at ang 3rd RCEP Summit bago ang closing ceremony, ganap na alas-7:30 ng gabi.
Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kukumpletuhin ng Presidente ang ag pagdalo sa mga meetings lalo at nasa magandang “mood” ang chief executive.
Kung maalala sa huling biyahe ng Presidente sa Japan, pinutuol nito ang kanyang pagbisita dahil sa pananakit ng ilang bahagi ng kanyang katawan bunsod nang pagsemplang niya sa motorsiklo.
Ilang mga Asean leader na rin ang nagpaabot nang pag-aalala sa kalagayan ng Pangulong Duterte.











