-- Advertisements --
Iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ahensya ng gobyerno ang paghahanap ng ibang mapagkukunan ng supply ng langis.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, layunin nitong hindi na aasa ang bansa sa oil supply sa Saudi Arabia.
Magugunitang nagkaroon ng pag-atake sa Aramco oil field sa Saudi Arabia kamakailan lang na nagresulta sa pagsipa ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.
Una nang sinabi ni Finance Usec. Karl Chua na matatag na ang supply ng langis kaya wala umanong inaasahang pagtaas ng presyo nito sa mga susunod na buwan.
Wala rin umanong dahilan para irekomenda ng Department of Finance (DOF) ang pagsusupinde ng excise tax sa mga produktong petrolyo.