Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Joel Jose Marciano Jr na mamumuno ng Philippine Space Agency.

Si Marciano ay kasalukuyang acting director ng Department of Science and Technology (DOST) -Advance Science and Technology Institute na siyang nangangasiwa ng space technology programs ng bansa.

Binuo noong nakaraang taon ang Philippine Space Agency o PhilSA sa pamamagitan ng Republic Act 11363.

Magiging trabaho ng PhilSA ang tulungan ang bansa sa paggawa at pag-implementa ng national at international space policies at ilang mga direktiba.