Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkukulang ang kaniyang gobyerno sa pagtugon laban sa COVID-19 crisis.
Sa kanyang address to the nation nitong Huwebes ng gabi, inungkat ng pangulo na matapos na magdeklara ang World Health Organization (WHO) sa pagsisimula ng pandemic noong nakaraang taon ay agad naman siyang bumuo ng task force na tanging tutugon sa nasabing krisis.
“I’d like to just disabuse the mind of nagkulang tayo. Wala na kayong tiningnan kundi ‘yung kagaguhan n’yo. Hindi tayo nagkulang,” wika pa ng pangulo.
Ipinagmalaki pa nito na ang mga napili niya sa gabinete ay mga matatalino at sila ang tamang tao na magpapatakbo ng gobyerno.
Pinawi niya ang pangamba ng ilang mamamayan dahil patuloy ang ginagawang trabaho ng gobyerno at tiwala ang pangulo na malalagpasan din ang nasabing krisis.