sea games cauldron bcda
SEA Games cauldron/ Photo courtesy of Bases Conversion and Development Authority

Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P50-million halaga ng Southeast Asian Games cauldron o tinawag na malaking kawa.

Ayon sa Pangulo na walang kurapsyon itong nakikita dahil ito ay gawa ng isang national artist.

Hindi aniya dapat kuwestiyunin ang sarilng likha ng national artist dahil ito ay mula sa kaniyang sariling imahinasyon.

Magugunitang umani ng batikos ang P50-million halaga ng cauldron na gawa ni 2018 National Artist for Architecture Franciso “Bobby” Mañosa dahil sa masyadong mataas ang presyo nito.