Duterte on Chinese drug lords
President Rodrigo Roa Duterte

Binantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kaniyang sasamapahan ng kasong economic sabotage laban sa Manila Water Co. at Maynilad Water Services.

Ito ay dahil sa maanomalyang kontrata sa gobyerno noong 1997.

Sa kaniyang talumpati sa Malacañang , sinabi nito na kaniya isasawalat ang anomalya dahil sa economic sabotage.

Iginiit pa nito na naging gatasan ang tubig sa mga malalaking negosyante sa bansa.

Magugunitang sa isinagawang cabinet meeting nitong Lunes, ibinunyag ng Department of Justice (DOJ) na ang government contracts sa Manila Water at Maynilad ay disadvantageous hindi lamang sa gobyerno at sa halip ay maging sa mga water consumers.