Hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong ng Dutch court ang dalawang Russian at isang Ukrainian national.
Ito ay matapos mapatunayang guilty ang dalawang Russian na sina Igor Girkin, Sergei Dubinsky at Ukrainian national na si Leonid Kharchenko sa kasong murder sa pagpapabagsak ng Malaysian passenger jet na Boeing 777 sa eastern Ukraine noong 2014 na ikinasawi ng lahat ng lulan nito na nasa 298 katao.
Binatikos naman ng Moscow ang aniya’s “scandalous” verdict o hatol sa kanilang mamamayan bilang politically motivated habang pinuri naman ni Ukraine President Volodomyr Zelensky ito na ‘mahalaga’.
Hindi naman napigilang maiyak sa tuwa habang binabasa ang hatol sa korte ng mga pamilya ng mga biktimang nasawi lulan ng flight MH17 na bumiyahe pa mula sa iba’t ibang bansa para sa makasaysayang pagtatapos ng dalawa’t kalahating taong trial.
Ito na rin ang katapusan ng napakahabang taon ng paghahanap ng hustisiya para sa mga biktima ng trahedya na mula sa 10 mga bansa kabilang sa nasawi ay 196 Dutch national, 43 Malaysians at 38 Australians.