-- Advertisements --

Nanguna si Kevin Durant para tuldukan ang tatlong sunod na pagkatalo ng Phoenix Suns laban at talunin ang Detroit Piston 120-106.

Mayroon siyang 41 points, limang assists, apat na rebounds at tatlong blocks.

Habang mayroong 21 points, walong assists at limang rebounds si Eric Gordon at nag-ambag naman ng 14 points si Grayson Allen.

Dominado ng Suns ang laro kung saan hindi naman nakalamang pa ang Pistons.

Ito rin ang unang pagkakataon na maglaro ang Suns laban sa dati nilang coach na si Monty Williams na kanilang sinibak noong nakaraang season.