-- Advertisements --

 Mariing tinutulan ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga panawagan na luwagan pa lalo ang health protocols ng Commission on Elections para sa in-person campaigning sa harap ng banta ng COVID-19 pandemic.

Ilang political parties na kasi ang nanawagan sa Comelec na payagan ang pakikipagkamay, pag-selfie, at paghalik sa pisngi ng mga kandidato sa kasagsagan ng mga campaign rallies.


Pero ayon kay Duque, dapat pangahalagahan din ng publiko ang kanilang kaligtasan, at dapat sa ngayon ay marunong nang mamuhay sa gitna ng mga limitasyon na dulot ng global health crisis.

Kahapon, Pebrero 16, sinabi ng Comelec na bukas sila sa posibilidad na pag-aralan ulit ang kanilang nauna nang inilabas na guidelines.

Ayon kay Acting Comelec Chairman Socorro inting, ang kanilang inilabas dati na guidelines para sa in-person campainging ay salig din naman sa itinatakda ng IATF.