-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na hindi mahuhuli ang Pilipinas sakaling magkaroon na ng bakuna para sa COVID-19.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committees on Public Accounts at Good Government and Public Accountability sa mga katiwalian sa PhilHealth, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque na mahigpit na nakabantay ang kagawaran pati na ang Department of Science and Technology (DOST) at World Health Organization (WHO) sa mga developments sa COVID-19 vaccines ng iba’t ibang pharmaceutical companies sa mundo.

Ayon kay Duque, 142 vaccine candidates ang nasa nasa pre clinical trial at 31 naman ang nasa human clinical trial stage na.

Samantala, pinatitiyak naman ni House Deputy Speaker Dan Fernandez ang maayos na distribution ng COVID-19 vaccine sa oras na available na ito sa bansa.

Kailangan aniya na i-regulate ng DOH ang logistical service providers upang sa gayon ay matiyak na hindi masasakripisyo ang efficacy at potency ng bakuna sa distribution process.

Titiyakin aniya nilang mayroong certificate ng good distribution practice ang kukuning mga service providers.