Pinuna ng mga senador ang tila pagpasa ni Health Sec. Francisco Duque III sa Kongreso ng mabagal na distribusyon sa mga health workers ng kanilang special risk allowance (SRA).
Ayon kay Duque, sana raw ay ginawa ng Congress ang batas na malinaw na nagdedeklara na ilalaan ang SRA sa lahat ng health workers.
Pero hindi ito nagustuhan ng mga mambabatas, dahil tila nagpapasa ng pananagutan ang kalihim ng DoH.
Ayon kay Senate blue ribbon committee chairman Richard Gordon, malinaw naman sa nakaraang hearing na sinabi ng COA na walang problema kung ire-request ng DoH ang paglalaan ng SRA sa iba pang frontline health workers at hindi lamang ang may direct contact sa COVID patients.
Inusisa rin ni Senate committee on labor chairman Joel Villanueva kung paano maibibigay ang SRA, ngayong nagsimula na ang distribusyon nito sa mga qualified workers.