-- Advertisements --
Muling nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang naitalang local cases ng Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na base ito sa whole genome sequencing Philippine Genome Center (PGC).
Ang PGC aniya ang siyang magsasabi kung may nakapasok nang Delta virus sa bansa sa pamamagitan ng kanilang pinaigting na biosurveillance.
Iginiit ni Duque na sa ngayon ay napakahigpit nang border control sa bansa, bukod pa sa umiiral na mahigpita na quarantine protocols.
Noong Huwebes nang sinabi ni Duque na pinag-aaralan ng mga eksperto ang posibleng pansamantalang pagbawal sa mga biyahero mula sa Indonesia na makapasok sa Pilipinas dahil sa banta ng Delta variant ng coronavirus
















