Tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque III na nananatili sa “safe zone” ang health care utilization rate sa lahat ng rehiyon sa bansa.
Nilinaw ni Duque na hindi kasama rito ang ilang probinsya at syudad kung saan ang mga ospital ay overwhelmed pa rin sa dami ng naitatalang kaso ng coronavirus pandemic sa kanilang lugar.
Hindi naman ito nagbigay ng detalye kung anu-anong lugar ang nananatiling nasa “moderate to critical zone.”
Ibig sabihin lamang nito, ang mga ospital na nasa critical level ay nagamit na ang nasa 85 percent ng kanilang capacity, habang ang moderate to risk level naman ay nagamit na ang 60 hanggang 70 percent ng kanilang pasilidad.
Ang mga ospital naman na nasa safe level ay mas mababa pa sa 60 percent ang utilization rate.
Ayon pa kay Duque, kailangan na gawing mas agresibo ang pagpapatupad ng mga response strategies para pigilan ang pagkalat ng COVID-19 variants sa bansa.