-- Advertisements --

Pinapaimbestigahan na rin ni Bayan Mun party-list Rep. Carlos Isagani Zarate ang napaulat na pagdami ng text scams sa bansa.

Sa ilalim ng House Resolution No. 2393 na kanyang inihain, hinihimok ni Zarate ang House Committee on Information and Communications Technology na imbestigahan ang paglaganap ng text scams sa Pilipinas.

Iginiit ni Zarate sa naturang resolusyon na mandato ng Department of Infromations and Communications Technology na tiyakin at protektahan ang mga karapatan at kapakanan ng mga consumers at business users pagdating sa privacy, security at confidentiality.

Kamakailan lang, sinabi ng National Privacy Commission na isang organized international o global syndicate ang nasa likod ng pagdami ng mga spam text messages.


Kabilang sa naturang mga text messages na natanggap ng ilang mga consumers sa mga nakalipas na buwan ay ang mga nag-aalok ng trabaho na mayroong kaakibat na mataas na sahod.

Nanggaling ang mga ito mula sa mga hindi naman kilalang numero.