Sang-ayon ang MalacaƱang sa paniniwala ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na maituturing ng security threat ang pagbuhos ng mga Chinese tourists sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakapagtataka kung paano nakakapasok ang napakaraming Chinese tourist na hindi nalalaman.

Ayon kay Sec. Panelo, maliban sa sobrang dami, posibleng may pang-eespiya ring ginagawa ang mga turistang Chinese sa bansa.

Kaya suportado ni Sec. Panelo ang panukala ni Foreign Affairs Sec. Teddyboy Locsin na dapat kumuha muna ng Philippine Visa ang mga Chinese bago bibiyahe papunta sa bansa.